Indang Water District

Water Supply Rationing at Barangay Calumpang Cerca-Agus-os

Nais pong ipabatid ng pamunuan ng Indang Water District (IWD) na dahil sa mataas na demand nang tubig ngayong nasa ilalim tayo ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at dahil sa patuloy na pagsasa-ayos ng airlock, pansamantalang magkakaroon nang “HATIAN o WATER RATIONING” na iskedyul sa Barangay Calumpang Cerca at Agus-os.

Ang nakatala sa ibaba ay ang magiging iskedyul ng pagvavalving at mga kabahayan na inaasahang magkakaroon ng supply sa nasabing mga oras:

 

6:00 AM – 12:00 NN (Calumpang Cerca)

• Brgy. Road – from Zenaida Mengote to Nicanor Lopez’s House
• Hi-way – from Leticia Fidel to Ailene Afable’s House

 

12:00 NN – 6:00 PM (Calumpang Cerca – Agus os)                                                           

• Brgy. Road – from Maxima Apartment to Edgar Bayas’s House

• Hi-way – from Benita Mojica to Edgar Bayas’s House

 

6:00 PM – 6:00 AM (Calumpang Cerca and Agus – os)                                                           

• Balik sa original na valving

 

Ang nakasaad na iskedyul ay mag-uumpisa bukas, May 9, 2020 at magpapatuloy hanggang sa maglabas uli nang panibagong anunsyo kung sakaling magkakaroon ng pagbabago. Ineenganyo po namin na kayo ay makapag-ipon sa oras ng inyong iskedyul at patuloy kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan kung nagkakaroon kayo ng problema sa tubig para mas mamonitor namin ang aming magiging paggalaw para sa maayos na supply.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

IWD MANAGEMENT