Ipinapabatid po ng pamunuan ng Indang Water District na bukas, ika-15 ng Mayo, 2020, 4:00AM – 12:00NN ay magkakaroon po muli tayo nang pagsasaayos ng ating mga barbula (control valves) sa Barangay AGUS-OS. Ito po ay upang maisaayos natin ang distribusyon ng supply ng tubig sa ating Barangay at mga karatig na barangay (CALUMPANG CERCA at CALUMPANG LEJOS) alinsunod sa ginawang pagpapalakas (upgrade) ng ating Pump Station No. 5 sa Calumpang Lejos.
Maaari po tayong makaranas ng pansamantalang paghina o pagkawala ng supply ng tubig sa mga nabanggit na barangay.
Inaabisuhan po ang lahat na makapag-ipon ng tubig para sa gagawing pagsasaayos bukas ng umaga.
Inaasahan po namin ang inyong pang-unawa.Maraming Salamat po.
IWD MANAGEMENT